Rizal Park o Liwasang Rizal
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan mula sa "bagong bayan" noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre, 30. 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasanpara ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometrong sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.
Intramuros
Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Hispano noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952.
Reaction:
Para sa akin ang pinakamahalagang kaganapang nangyari nung kami ay nag historical visit ay yung sama-sama naming pinuntahan at nilibot ang mga lugar na pinuntahan namin. Ang pinakamahalaga sa lahat ay yung naging masaya ang naging resulta nang ginawa namin, kahit na medyo umaambon nun at wala kaming dalang payong ay naging masaya pa din kami sa mga nangyari nung araw na yun. Aaminin ko, sobrang napagod ako nun, kasi talagang inikot namin yung buong intramuros at Luneta park nang lakad lang ginawa at hindi sumakay nang kahit anong sasakyan.
Nung araw na yun medyo kinakabahan ako, kasi wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung saan ba talaga yung tamang daan na dapat naming daanan. Tapos hindi pa kami ganoong pamilyar sa kapital ng Pilipinas. Kung kaya't wala kaming ibang ginawa kundi magtanong sa mga guards na nakikita namin.
Pinakita ko lang kung ano yung totoong ako. Babaeng di ganoong mahinhin, masayahin at di nang iiwan. Inaamin ko, nagrereklamo din ako nun, kasi ang layo na nang nararating namin tapos paikot-ikot lang naman pala kami. Pero sa pangkalahatan, mas pinakita ko yung pagiging masayahin kong ugali.
Sa ngayon, natatawa ako sa mga nangyari sa amin ng mga kaklase ko lalo na nung umalis kami ng Luneta tapos bumalik lang din kami ng Luneta. Namangha, lalo na nung nakita ko yung mga lumang istraktura sa may Intramuros.Dapat papasok kami ng Balluarte San Diego kaso mayroon siyang entrance fee na 50 pesos, wala na kaming pera kaya pumunta nalang kami doon sa may gilid nun kung saan tanaw yung golf field.
Natutunan kong mas pahalagahan pa yung mga historical sites, kasi siguro nakita ko yung tunay na kagandahan ng mga istrakturang ito. Bilang isang estudyante, para sakin, iminumungkahi ko sa iba pang kapwa kong estudyante ang pagdalaw sa mga historical sites na ito kagaya ng sa Intramuros at sa Luneta Park
Photostory/Documentation:
Ang mga litratong ito, ay kuha sa makasaysayang lugar ang Luneta Park o Liwasang Rizal.
At kuha mismo gamit ang aking dalang camera.
Kuha naman ang mga litratong ito sa makasaysayang lugar ang Manila Cathedral. Ang ibang litrato ay kuha mismo sa loob ng simbahang ito,
Ito namang mga litratong ito ay kuha sa gilid ng Balluarte San Diego kung saan matatanaw ang golf field.
"A journey is best measured in friends, rather than miles"
"A journey is best measured in friends, rather than miles"


.jpg)














Walang komento:
Mag-post ng isang Komento